Buntong hininga
Sana, sana lang, may mga bagay na pwedeng burahin sa memorya pag gusto mo nang kalimutan. Sana lang talaga… kasi kung may isang genie na tutupad sa mga hiling ko, kahit yun na lang sana tuparin niya! Alam mo ba yung feeling na isang parte ng buhay mo ay naging masamang panaginip? Alam mo yung gustung gusto mo nang gumising pero may pumipigil sa’yo hanggang sa nararamdaman mong hindi ka na makahinga? Gusto mong maigalaw ang mga paa mo, mga kamay mo pero nagiging manhid ang bawat pitik kaya wala ring kwenta?!!! Kung pwede lang talagang baliktarin ang mundo at burahin ang parteng ‘yon ng buhay ko, gagawin ko. Pero walang akong karapatan at lalung lalo na, wala akong kapangyarihan gawin ‘yon. Kaya eto, naghihintay na lang ako sa himala. Malay mo, pagmulat ko isang araw, MASAYA NA ULIT AKO.