Miss ko na kayo
Monday, June 30th, 2008Kahit na wala na akong oras sa ibang mga bagay, kahit na sobrang busy
ko na sa skul, sa work, sa org, sa lahat…. may mga moments talaga na
napapatahimik ako sabay malulungkot.
Naiisip ko lang, kahit na
tuluy-tuloy ang takbo ng buhay ko, kahit na nagagawa ko yung mga bagay
na makakatulong sa akin maabot yung goals ko, may kulang. Hindi pa rin
buo ang buhay ko. Nalulungkot ako, sa totoo lang, kasi ang dami kong
taong naaalala, naiisip at namimiss. Oo namimiss… Kahit
na kasama ko nga sa bahay sina papa, at yung dalawa kong kapatid, hindi
ko naman sila madalas makita! Aalis ako ng 6:00 ng umaga tapos uuwi ako
ng 9:00 ng gabi. Kumusta naman yun? Saan na yung bonding ng family
namin? Uber busy na kahit ung mga taong nakakasama ko sa bahay eh
namimiss ko na. Paano pa kaya yung mga taong malayo sa akin pero naging
bahagi ng buhay ko?? Si Mama, kahit nag-uusap kami via internet, kahit
na naririnig ko boses niya… namimiss ko pa rin siya kasi hindi ko
siya mayakap. Si ano…naaalala ko na naman, namimiss ko tuloy though alam kong dapat ko na siyang kalimutan. Nalulungkot ako.
Napakababaw ng buhay ko eh, yun ung nararamdaman ko. Ung tipong isang parte
lang ng buhay mo ung nabibigyan mo ng pagkakataon, ng oras. Paano naman
ung kalahating parte?? Magwowork ka ba kung ung magkabilang bahagi
hindi sabay na gumagana?? Isipin mo nga.
Ma, gusto ko na pumunta
sa LOndon. Gusto ko na ulit magsama-sama tayo nina Papa. Ngayon ko lang
nararamdaman ung hirap ng may isang magulang. Ang hirap ng wala ka. May
kulang talaga eh… Hindi ako mabuo-buo. Sana magfastforward na lang
ang lahat para nman mabawasan ang sakit sa puso ko….
Namimiss ko na kayo…. [Kilala ni God kung sino talaga namimiss ko! wakokokok...]